Kai Sotto.


Matapos ang unang tatlong laro na nailistang DNP-CD (Did Not Play-Coach’s Decision) si Kai Sotto, nakapaglaro na rin siya sa wakas.
Tumipa siya ng anim na puntos, apat na rebounds, tatlong blocks at isang assist sa 13 minuto na paglalaro laban sa Portland Trail Blazers na ginanap sa Thomas & Mack Arena, Las Vegas.
Gayunman, talo ang Magic sa score na 88-71, pang-apat na sunod na pagkatalo ng koponan.
Umaasa ang mga fans ni Kai na sasabak rin si Kai sa laro ng Magic laban sa Boston Celtics.

Larawan mula sa Orlando Magic FB Page