Nagsagawa ng Earthquake Drill ang pamunuan ng Kapitolyo ng Isabela. (Felix Cuntapay Jr.)

Ulat  ni  SAMMY BALTAR

Nakiisa  ang mga kawani at mga kliyente sa isinagawang National Simultaneous Drill (NESD) sa loob ng kapitolyo ng Isabela.

Maayos naman na pinangunahan ng mga kasapi ng Philippine National Police, Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire and Protection at Department of Health ang pagsasagawa ng drill lalo pa at para iwas-disgrasya at para matupad pa rin ang health protocols.

Lahat ng mga nasa kapitolyo ay nagsagawa ng “duck, cover and hold” position gaya sa actual earthquake scenario.

Nagkaroon rin ng post-evaluation sa isinagawang drill.#