Ulat ni SAMMY BALTAR
Nasira ang siyam na mga bahay at inilikas ang 31 na katao makaraang gumuho ang lupa mula sa paanan ng bundok sa Sitio Barikir, Barangay Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela ng madaling araw, June 9.
Mabuti na lamang daw at hindi biglaan ang pagguho kaya nakaligtas ang mga residente at nailikas sila bago pa tuluyang sumira ito ng mga bahay at iba pang mga ari-arian, ayon kay Barangay chairman Bonifacio Viernes ng Yeban Norte.
Nakitira muna sa mga kamag-anak at sa barangay center ang mga apektadong residente.
Dahil dito, pinayuhan ng mga opisyal ng pamahalaang-lokal ang mga apektadong residente na huwag munang bumalik sa lugar dahil napakadelikado.#