Photo Courtesy of 5th Infantry "Star" Division, Philippine Army

CAMP MELCHOR F. DELA CRUZ, UPI GAMU, Isabela – Bukas na sa publiko ang bagong pasiyalan sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela – ang 5ID Rangers’ Park. Nagsilbing Guest of Honor and Speaker si retiradong Police Lt. Gen. Ricardo F. De Leon na kasalukuyang Director General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa naganap na Inauguration Ceremony nitong ika-08 ng Abril 2024.

Sa mensahe ni PLt. Gen. Deleon, “Ang parke na ito ay hindi lang isang karagdagang pasilidad, kundi isang paraan upang ipaalam sa kanila [sibilyan] kung paano nag-aalay ng serbisyo at nagsasakripisyo ang mga sundalo at kung paano nahubog at patuloy na nililinang ang pagiging makabayan na kailangan natin”.

Ang 5ID Rangers’ Park ay naglalarawan ng pagkakaisa at pagkakapatiran ng mga kasundaluhan para magampanan ang kanilang mandato para sa kapayaapan at kaularan sa mga komunidad na nasasakupan ng 5ID.

Nagpapasalamat naman si Major General Audrey L. Pasia, Commander ng 5ID sa mga kasundaluhang nangasiwa sa pag-aayos at pagpapaganda sa 5ID Ranger’s Park na siyang sumasalalim sa dekalidad at tapat na serbisyo ng mga Startroopers.

Dumalo din sa nasabing pagpapasinaya ang Regional Director ng NICA2 na si Ginang Plormelinda P. Olet, ang Chief of Staff ng 5ID Col. Narciso B Nabulneg Jr. at ilang mga matataas na opisyal ng 5ID kasama ang mga Startroopers na nakapagtapos ng Ranger Course.#