Kahapon, ang bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao ay nasa 803 na.
Mataas pa rin ang naitatalang bilang ng panibagong kaso na nasa 140 kasama ang lima (5) na re-exposure habang 144 naman ang nakarekover mula sa sakit. Habang dalawa (2) ang naitalang nasawi kahapon.
Mariing pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na sumunod sa ating minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission. Kung may nararamdaman na sintomas o may exposure sa nag positibo sa sakit ay agad na mag isolate at ireport sa BHERTS o sa Bayanihan Helplines. (Courtesy:LGU-Tuguegarao)