Nangako ang British Embassy Political Counsellor na si Iain Cox na magkakaroon ng pakikipagtulungan sa hinaharap sa bilateral relations sa pagitan ng United Kingdom at ng lalawigan ng Isabela para sa renewable energy, media freedom, kalusugan at pang-ekonomiyang pamumuhunan.
Itutuloy raw aniya ang Darwin Initiatives ng United Kingdom na pinondohan ng kanilang gobyerno kung saan ang embahada ay nagpapatupad ng mga pamumuhunan at pakikipag-ugnayan sa mga lalawigan at lungsod at nag-isponsor ng mga iskolarsip ng mga karapat-dapat na mag-aaral sa kanilang bansa mula sa mga komunidad ng Pilipinas tulad ng Isabela.
Nagsagawa rin ng isang oras at kalahating one-on-one na pagpupulong si Cox kay Villamor Visaya Jr., news stringer-correspondent ng Philippine Daily Inquirer/GMA7 Kapuso at tagapaglimbag-patnugot sa lokal na tanggapan nito bilang bahagi ng kanyang pakikipag-usap sa kalayaan ng media sa pamamahayag.
Nagpahayag siya sa mga posibleng pakikipag-ugnayan sa mga mamamahayag sa mga pagsasanay at iba pang propesyonal na pakikipagtulungan.
“We seek not only to uphold media freedom but also enhance professional relations between the United Kingdom through the British Embassy and the journalists in the countryside like Isabela,” aniya.
Nagsimula ang British Embassy sa mga community sorties sa mga probinsya at lungsod upang magkaroon ng mga ugnayan sa mga pamumuhunan sa ekonomiya, pagbabago ng klima at pagtugon sa kalamidad, at pahusayin ang mga relasyong diplomatiko, dagdag niya.
Natuwa rin at sinabing masarap nang matikman ni Cox ang mga lokal na kakanin gaya ng inatata at binallay sa kanyang eksklusibong pagbisita sa media office ng stringer na ito.#