Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nahihikayat nang mag-save para sa future o para makompleto ang mga pangarap sa buhay para sa pagsisimula ng pamilya, business, pang-travel at iba pa.

Marami na ring naghahanap ng ibang paraan para mapalago ang pera nang mas mabilis kesa sa pagtatago nito sa savings account.

Kaya naman ang Robinsons Bank ay muling naglabas ng mga bagong investment products na akma raw para sa mga taong nais magsimula ng kanilang investment sa halagang isanlibong piso.

May tatlong funds din na pwedeng mong pasukin gaya ng Payday Money Market Fund, Equity Index Feeder Fund, at Equity Opportunity Feeder Fund.#