Images courtesy: LGU-Ivana, Batanes

Nakiisa ang mga kababaihan sa selebrasyon ng 2024 Women’s Month ang isnagawa sa bayan ng Ivana na aktibong dinaluhan ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor kahapon, Marso 8.

Maliban sa misa sa San Vicente Chapel, sinundan ito ng parada at ang programa kung saan inanunsyo din ang iba’t ibang mga nakatalagang aktibidad sa buong buwan ng Marso sa pagdiriwang ng buwan ng mga kaababaihan at presentasyon ng patnubay para sa pagpili ng Ivana Exemplary Woman of the Year. Bumida rin sa pagsayaw ang mga kababaihan ng Ivana sa kanilang Mass Zumba. #