Nag-usap si Cagayan Governor Manuel Mamba at dating PNP Chief General Edgardo “Egay” Aglipay sa tanggapan ng Gobernador sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, kahapon, Marso 08, 2024.
Kasama sa pagpupulong si Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, 1st District Board Member Atty. Romeo Garcia, 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, Enrile Mayor Miguel Decena, mga Department Head ng Kapitolyo ng Cagayan, at consultants.
Sa pagpupulong inihayag ni General Aglipay ang kanyang pagnanais na magbalik sa lalawigan upang tulungan ang mga kababayang Cagayano. Aniya, mayroong tatlong layunin na kanyang nais ipakita at ipatupad sa Cagayan. Una rito ang planong pagbubuklurin ang lahat ang mga political family at lider sa Cagayan. Pangalawa, ang pagnanais na mamagitan sa estado ngayon ng Cagayan bilang strategic area para sa bansang Tsina at Amerika at pangatlo ang pagtulong upang maiangat ang pamumuhay ng bawat Cagayano.
Ibinahagi naman ni Governor Mamba ang kanyang naging plano at mga ninanais para sa probinsiya ng Cagayan sa tulong na rin ng Heneral. Kanya ring ipinakilala ang bawat isa na aniya’y nasa likod ng tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. (CPIO release).#