Namigay ng tig-tatlong sentinel piglets sa mga 15 na hog raisers ang Department of Agciculture Livestock Division partikular sa mga barangay ng Alba, Remus at Agaman Proper bilang tulong sa mga unang naapetuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Baggao, Oktubre 25, 2021.
Ang pamamahagi ng naturang mga sentinel piglets ay bahagi ng ‘repopulation’ ng mga baboy sa mga naapektuhan ng ASF.
Ayon kay Sir Giner Manding, tatlong biik kasama ang 9 sako ng pagkaing baboy (feeds) ang ibinigay sa 15 hog raisers.
Hinimok naman ni Mayor Joan Dunuan ang mga hog raisers na alagaan at tutukan ang kanilang mga alaga at hangga’t maaari ay palakihing inahin ang mga ito.
Ayon naman kay Alex Domingo, isa sa mga hog raiser na nabigyan, ang mga sentinel piglets ay malaking tulong sa kanila lalo pa’t walang bayad na ibinigay ito ng pamahalaan. (Baggao Municipal Information Office press release)