30 C
Isabela
Monday, May 6, 2024
Home Blog Page 68

AKTIBONG KASO SA BAGGAO, NASA 134 PA RIN; 18 NA BARANGAY, ZERO-CASE NA

0

Aktibong kaso sa Baggao, nasa 134 pa rin matapos makapagtala ng tatlong bagong kaso at 4 naman na clinical recoveries, Oktubre 26.

Sa kasalukuyan, 18 barangay na ang walang nakatalang kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng Santa Margarita ngayong araw.

Ang mga bagong kaso ay mula sa mga sumusunod:
1. Hacienda – 1
2. San Francisco – 1
3. San Jose – 1

Ang mga clinical recoveries naman ay mula sa mga sumusunod:
1. Poblacion – 2
2. San Jose – 1
3. Sta. Margarita – 1

#

COVID cases, pababa na at dalawa lang ang bagong kaso kahapon sa Naguilian, Isabela

0
(Courtesy:RHU-Naguilian)

Dalawang bagong kaso ng COVID-19 virus sa Naguilian, Isabela, naitala kahapon. Merong tatlong naka-recover. Pinaalala muli ng LGU na mag-ingat lahat at sundin ang mga health protocols.(RHU-Naguilian)

68,721 nabakunahan na sa Tuguegarao City

0
(Image courtesy of Tuguegarao City Information Office)

Narito ang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan kontra sa COVID-19 sa lungsod ng Tuguegarao as of October 25, 2021.

Sa datos ng City Health Office (CHO) nasa kabuuang bilang na 68,721 o 72% na indibidwal mula sa Priority Groups A1, A2, A3, A4, at A5 ang nabakunahan na.

Nasa total na 57, 120 o 60% naman ang mga indibidwal na nakatanggap na ng kumpletong bakuna (2 doses o single dose) laban sa Covid-19.

Kabuuang 121, 224 na bilang ng bakuna naman ang naiturok na sa 1st at 2nd doses, kasama na ang single dose, simula noong umarangkada ang Vaccination Program ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City. (Data courtesy of Tuguegarao City Information Office)

Tuguegarao City Covid-19 Update | As of October 26, 2021

0

Ngayong araw, ang bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao ay nasa 366. Ito ay bahagyang bumaba mula sa bilang na 380 kahapon.

Mayroong naitalang labing walo (18) na bilang ng panibagong kaso at dalawang (2) re-exposed na indibidwal, habang 33 naman ang nakarekover mula sa sakit. Isa (1) naman ang nasawi, ayon sa datos ng City Health Office.

Mariing pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na sumunod sa ating minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission. Kung may nararamdaman na sintomas o may exposure sa nag positibo sa sakit ay agad na mag isolate at ireport sa BHERTS o sa Bayanihan Helplines.

Pinaiigting ang pag-iingat lalo na at nasa lungsod na ang Delta Variant. Ito ay mas mabagsik, mas madaling kumalat at mas nakakamamatay ayon sa mga experto.

Hinihikayat din natin ang ating mga kababayan na magparehistro at magpabakuna kontra sa COVID-19 pagdating ng tamang schedule para sa mga grupong ating kinabibilangan.

66 Panibagong Variants of Concern, Naitala sa Rehiyon Dos

0

Sa paglalabas ng ika-40 na Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ang buong Rehiyon Dos ay nananatili sa pagtatala ng mga kaso ng Delta Variant.

Ayon sa report, mayroong karagdagang 67 na kaso sa buong Rehiyon Dos. Inilahad sa panibagong report ang mga sumusunod na talaan; dalawang kaso ang kauna-unahang naitala sa bayan ng Ivana sa Batanes, samantalang sa Quirino province ay naitala ang tig-isang kaso sa Aglipay, Cabarroguis, Maddela at Saguday.

Ang probinsya ng Nueva Vizcaya ay mayroong pitong kaso mula sa Solano (2) at tig-isa sa mga bayan ng Bagabag, Bayombong, Dupax del Sur, Quezon at Santa Fe.

Nakapagtala naman ng karagdagang 26 na kaso sa Cagayan mula sa Tuguegarao City (11), Sto. Nino (2), Solana (2) at tig-isa sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Camalaniugan, Iguig, Lasam, Pamplona, Sta. Praxedes at Tuao.

Nananatili na ang Isabela ang may pinakamaraming naiulat na kaso ng Delta variant at nakapagtala ito ng 28 na panibagong kaso mula sa Santiago City (4), tatlo sa bayan ng San Isidro at tig-dalawa sa Cauayan City, Echague at Gamu habang ang mga bayan ng Alicia, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Luna, Mallig, Naguilian, Quezon, Ramon, Roxas, San Manuel, San Mateo at Ilagan City ay may tig-isang kaso. Anim sa mga naiulat na kaso ang namayapa mula sa mga bayan ng Sto. Nino at Solana sa Cagayan at sa mga bayan ng Alicia, Quezon at San Manuel sa Isabela.

Ang naitalang pumanaw sa Nueva Vizcaya ay ang kaso mula sa Solano habang gumaling na mula sa sakit ang iba pang 7 naiulat na mga kaso.

Ayon sa Local Cases of Variant of Concern per Province Report ng RESU, ang buong Rehiyon Dos ay nakapagtala ng mga sumusunod na bilang mula Marso hanggang ika-25 ng Oktubre.

 Ang Alpha Variant ay mayroong 329 cases, 306 dito ay recovered cases samantalang 23 dito ang namayapa. Ang Beta Variant ay mayroong 44 cases, 42 ay recovered cases habang dalawang kaso ang namayapa. Ang Delta Variant ay mayroong 340 cases, 323 ay recovered cases at mayroong 17 na nasawi. Samantala, para naman saw Theta Variant ay nakapagtala ng tatlong kaso at lahat ay fully recovered o gumaling na sa sakit.

Ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa pamamagitan ng Special Action Team (SAT) ay patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga apektadong Rural Health Units at Local Government Units sa pagsasagawa ng case investigation at contact tracing activities at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang shortened duration ng detection at isolation ng mga kaso.

Mananatili sa pagbibigay-impormasyon ang Kagawaran kung kinakailangan. Marahil ang mga mamamayan ay nakakarinig na ng mga detalye hinggil sa pagbaba ng mga kaso, ngunit mariing na pinapaalala ng Kagawaran na hindi pa ito panahon upang ang lahat ay maging kampante. Bagkus, ang lahat ay dapat mas mag-ingat lalo na sa increased mobility ng mga tao ngayong papalapit na ang holiday season.

Sa panahong ito, nawa’y patuloy ang lahat sa pagsasagawa ng mahahalagang sangkop upang maipag-patuloy ang pagpapababa ang mga bilang ng mga nagkakasakit at nahahawa sa COVID-19. Ang sama-samang pag-iingat, tamang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas o pag-sanitize ng kamay, pag-iwas sa matataong lugar at pag-distansya sa mga tao o ang pag-iwas sa 3C’s: closed spaces, crowded spaces at close contact settings at agarang pag-isolate at pag-kokunsulta sa unang sintomas palang ng sakit ay hakbang at malaking tulong sa pagpigil at pagkalat ng sakit. Ang pagbabakuna at pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) katulad ng mga nabanggit ay makakatulong upang masustena ang pagpapababa ng mga kaso sa ating pamayanan.(DOH-Region 2 press release)

Mass Vaccination laban COVID-19 sa lalawigan ng Quirino, isinasagawa

0

Isinasagawa ng lalawigan ng Quirinon ang Mass Vaccination sa lahat ng mga residente doon bilang bahagi ng layunin nito na makamit ang Herd Immunity. Hinimok ng Pamahalaang Panlalawigan ang lahat ng Quirinian na hindi pa bakunado na magpunta sa capitol gymnasium mula 8 AM – 5 PM para mabakunahan. Magtatapos ito hanggang ika-29 ng Oktubre.#

Covid-19 Update | As of October 26, 2021

0

Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng 17 na panibagong kaso ang ating lalawigan, 87 naman ang mga gumaling mula sa virus at 2 ang nasawi.

Sa kabuuang bilang, 6,754 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 506 dito ang ACTIVE CASES, 6,031 naman ang RECOVERED CASES at 217 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa ating probinsya kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang ating Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.

Keep safe mga kailyan

RECU2 at RDEU2, nagsagawa ng simultaneous deployment ng Narcotics Detection Dogs sa lungsod ng Tuguegarao

0
Photo courtesy: PNP-Region 2

Nagsilbing pilot area ng Region 2 ang Victory Liner Bus Terminal sa Caggay, Tuguegarao City sa isinagawang Simultaneous Exercises ng mga sniffing dogs mula sa Special Operations Unit 2- Regional Drug Enforcement Unit (SOG-RDEU2) kasama ang Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit 2 (RECU2).

Ayon kay Police Colonel Pedro Martirez, hepe ng RDEU2, malaking tulong ang mga Narcotics Detection Dogs sa pagsawata sa problema ng bansa sa iligal na droga. Aniya, ipagpapatuloy ng PNP-SOU ang paggamit ng K9 units sa mga anti-illegal drugs operation upang mapabilis ang pag detect kung may iligal na droga sa mga kargamentong itina-transport sa pamamagitan ng mga pampublikong bus at transportasyong pandagat.

Sa kasalukuyan, umaabot sa labing isang K9 dogs ng SOU 2 ang ginagamit sa anti-illegal drugs operations sa Cagayan Valley at inaasahan umanong madadagdagan pa ang mga ito.

Nagkakahalaga ng umaabot sa 200,000 hanggang 300,000 pesos ang halaga ng isang K9 dog.

Ang Simultaneous launching ng Narcotics Detection Dogs ng PNP Special Operations Unit sa iba’t ibang rehiyon ay kinabibilangan ng actual na pagpapakita ng kakayahan ng mga K9 dogs na matukoy ang mga kargamentong may nilalamang droga.(PNP-Region 2)

Honest janitor

0
Photo courtesy: Krystal Gayle Agbulig, SM-Cauayan Public Relations Manager

LOOK!

SM City Cauayan maintenance personnel, Mr. Alexander Foronda exemplified honesty as he returned a wallet containing P24,000.00 cash which he recovered during his performance of duty.

The recovered valuable was returned personally to the rightful owner, Mr. Bonifacio Jose Jr. of Quirino province after thorough verification of the Customer Relations Services Department of the mall.

Mall goers lauded the “good deed of Mr. Foronda” and described this as “a reflection of the values of SM Group of Companies.

The company management said they commended and encouraged mall employees to be an exemplary of honesty and integrity.#

Balitang Hilaga