Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng walumpu’t siyam (89) na panibagong kaso ang ating lalawigan, apatnapu’t-apat (44) naman ang mga bagong gumaling mula sa virus at tatlo (3) ang binawian ng buhay.

Sa kabuuang bilang, 3,941 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 547 dito ang ACTIVE CASES 3,273 naman ang RECOVERED CASES at 121 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa ating probinsya kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang ating Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.