Ika 4 Abril 2024, samut-saring Improvised Explosive Device (IED), homemade grenades, mga matataas na kalibre na armas mga kagamitan sa paglikha ng IED at Granada, ammonium phosphate, bala at iba pang kasangkapan ng paglikha ng IED ang nasabat ng 501st Infantry Brigade sa loob ng tatlong buwan na kampanya laban sa grupo ng KLG North Abra na nahantong sa engkwentro noong ika 2 ng Abril 2024 sa Brgy. Nagcanasan, Pilar, Abra.
Ang mga gamit na ito ay nakuha sa kanilang nilisanang kampo habang tinutugis ng 501st Infantry Brigade at ng mga battalion na naka pa loob dito ang mga humigit sa tatlumpung miyembro ng Ilocos Cordillera Regional Committee.
Ang mga aktibidad ng mga CPP-NPA-NDF o mga komunistang teroristang grupo ay malinaw na indikasyon sa paglabag sa International Humanitarian Law (IHL). Ang sunod-sunod na pagkadiskubre ng kampohan, mga armas at kagamitang pandigma, lalong-lalo na ang mga nadiskubreng Improvised Explosive Devices/Homemade grenades at ibang kagamitang pampasabog ang siyang patunay ng paglabag at pagwawalang-bahala nila sa IHL. Kung ating aalalahanin ang soccer star na si Keith Absalon ay binawian ng buhay habang siya at ang kanyang mga pinsan ay nag bibisikleta sa bayan nila Anas, Masbate City, noong ika 8 ng Hunyo 2021, pahayag ni Army Major Rigor Pamittan, tagapagsalita ng 5th Infantry Division.#
Photo Courtesy of 5th Infantry Division