CAMP LT. ROSAURO TODA JR., CITY OF ILAGAN, Isabela- Nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa isang lalake na Street Level Individual ang mas pinaigting na kampanya ng Ilagan Component City Police Station na mahusay na pinamumunuan ni PLTCOL LORD WILSON J ADORIO, COP ang kanilang ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation ngayong ika-14 ng Marso, 2024 sa National Highway, Purok 1, Brgy. Rang-ayan, City of Ilagan, Isabela.

Nahuli ang suspek na kinilalang si alyas Mil, 44 anyos, may asawa, walang trabaho, at residente rin nang nasabing lugar bandang 1:39 ng hapon ng kapulisan ng Ilagan CCPS sa pangunguna ni PCPT JOHNNY L GATAN, Intel Officer/DEU sa tulong ng pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Agency Regional Office.

Nasamsam mula rito ang isang pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust item) na may bigat na humigit kumulang 1.2 gramo at SDP na Php8,160.00; isang pirasong genuine 500-peso bill (buy-bust money); walong pirasong 1,000 scanned/boodle money (buy-bust money); at isang unit ng Iphone 7 Cellular phone na kulay rose gold.

Agad namang isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng suspek na nasaksihan ng brgy. Officials at DOJ representative sa pinangyarihan ng operasyon.

Ang suspek maging ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa himpilan ng Ilagan para sa dokumentasyon at naayong disposisyon.#