CABATUAN, ISABELA – Isang lalaki, ang inaresto ng kapulisan mula sa Cabatuan Police Station sa pangunguna ni PCPT JEREMIAS C VINIEGAS, DCOP sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMAJ ARTURO O CACHERO, COP, RIU 2, RMU 2, at PIU Isabela nitong Abril 5, taong kasalukuyan dahil sa paglabag nito sa kasong RA 10591 o kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Matagumpay na naisagawa ang pagpapatupad ng Search Warrant Blg. 08-2024 na inilabas ni Honorable REYMUNDO L AUMENTADO, Executive Judge, RTC Branch 20, Office of the Executive Judge, Cauayan City.
Sa nasabing operasyon, ang naarestong suspek ay nakilalang si Alyas Danny, 44-anyos, may asawa at residente ng Brgy. La Paz, Cabatuan, Isabela. Nakumpiska mula rito ang isang (1) unit ng kalibre colt 45 na may serial no. 220658, isang (1) unit ng kalibre 38 walang serial no., tatlong (3) pirasong magazine para sa kalibre 45, dalawampung (20), piraso ng live ammunition ng kalibre 45, dalawamput-siyam (29) na piraso ng live ammunition ng kalibre 9mm, siyam (9) na empty shell ng kalibre 45, siyam (9) na piraso ng walang laman na shell ng kalibre 9mm, isang (1) pirasong kulay itim na side holster at isang (1) pirasong itim na swiss gear sling bag na nakalagay sa loob ng gibi box ng kanyang Honda TMX 125 na nakaparada sa loob ng kanyang bahay.
Ang operasyon ay naisagawang nang maayos at tahimik na kung saan saksi ang Brgy Kagawad na si Kgwd. Rodante M. Gabat, mula sa kaparehong lugar, Ms. Rio Coseteng, kinatawang ng Media at ang subject person.
Ipinagbigay alam sa suspek ang kanyang karapatan, ayun sa prinsipyong tinatawag ng Miranda Doctrine at matapos nito ay dinala na ito sa Cabatuan Police Station kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pormal na dokumentasyon at disposisyon at para na din masampahan ng naangkop na kaso sa korte.
Gayunpaman, sa pangunguna ng ating mga awtoridad, patuloy ang pagpapaigting ng hakbang laban sa krimen upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad. Patuloy nating patatagin ang laban kontra sa ilegal na armas at droga upang matiyak ang magandang kinabukasan para sa ating mamamayan. Sa pagkakaisa, tayo ay maglalakbay tungo sa mas maganda at tahimik na bukas.#