CAMP LT. ROSAURO TODA JR., CITY OF ILAGAN, Isabela- Hindi lang minsan kundi dalawang magkasunod na buwan ng Pebrero at Marso 2024 nasungkit ng Isabela PPO sa mahusay na pamumuno ni PCOL LEE ALLEN B BAUDING, Provincial Director ang Rank #1 sa PRO2 Unit Performance Evaluation Rating (UPER).

Ang UPER ay ang sistema ng PNP upang sukatin ang husay at epektibong serbisyo ng bawat PNP Units base sa Administrative at Operational accomplishments kung saan namayagpag ang Isabela PPO kumpara sa ibang Police Provincial Office ng buong Rehiyon 2 kagaya ng Cagayan, Quirino, Nueva Viscaya, Santiago at Batanes PPO.

Ang IPPO sa kanyang patuloy na pagbibigay pagkilala sa mga kapulisan sa angking sipag, galing, inisyatiba at mahahalagang kontribusyon ay sya ring mas lalong nagpasigla at nagsilbing inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang kanilang pagsisilbi.

Paghanga at pasasalamat ang ipinapaabot ni PD BAUDING sa kanyang mga tauhan sa magkasunod na tagumpay na nakamit, aniya “Pagpapakumbaba, respeto, pagmamahal sa Diyos, sa kapwa at sa pamilya” ang manaig sa bawat isa.

Ipinapaabot din ni PD BAUDING sa mga Isabelinong patuloy na magpapasakop sa mga adbokasiya ng PNP at muling hiniling ang kanilang patuloy na suporta para sa tahimik, maayos at progresibong Isabela. #