Ang suspek na si Neil Culasing.(Photo courtesy:PNP-Region 2)

CAMP MARCELO ADDURU, Tuguegarao City– Nakorner ng mga otoridad ang suspek na may kasong 2 counts of Rape na kabilang sa Top 7 Most Wanted Person (WCPD Regional Level) sa Regional Boundary ng San Juan, Sta Praxedez, Cagayan at Pasaleng, Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa. 

Ang suspek ay kinilalang si Neil Culasing, 27 anyos at residente ng Barangay Banguian, Abulug, Cagayan ay naaresto ng pinagsanib pwersa ng Abulug Police Station, Sta. Praxedez Police Station at 203rd Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion.


Napag-alaman na ang biktima ay dating karelasyon umano ng suspek noong nasa 2nd year high school lamang sila at lingid sa kaalaman ng suspek na may naisampang kaso laban sa kanya dahil isang buwan lamang ang kanilang naging relasyon ng biktima.

Nadakip si Culasing sa bisa ng Allias Warrant na inilabas ni Executive Judge Francisco S Donato, Regional Trial Court Branch 33, Ballesteros, Cagayan sa kasong 2 counts of Rape noong May 15, 2017 at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.


Sa kasalukuyan si Culasing ay nasa kustodiya ng Abulug Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.(PNP-Region 2 press release)