CAMP LT. ROSAURO TODA JR., CITY OF ILAGAN- Isabela- Nahaharap sa patong-patong na kaso sa paglabag sa RA 11592 LPG Law Act), RA 623 (An act to regulate the use of duly stamped or marked bottles, boxes,casks, kegs, barrels and other similar containers), RA 8293 ( Intellectual Property Code of the Philippines) at BP 33 (An Act Defining and Penalizing certain Prohibited Acts inimical to the Public Interest and National Security Involving Petroleum Products) ang Tatlong lalaking naaresto sa Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela kahapon lamang ng ika- 4:30 ng hapon Marso, 20, 2024.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng mga pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad na pinangunahan ng CIDG Isabela PFU (Lead Unit), Cabagan PS, RMU2, PIU-IPPO at LPGMA Task Force na nagresulta sa aktuwal na pagbebenta ng LPG Tanks na walang lisensya ng DOE (Department of Energy) na naging basehan sa pagkakaaresto ng tatlong suspeks at pagkakasamsam ng mga ibat-ibang sumusunod na item: Bente Kwarto (24 )pirasong Shine Gaz LPG Tanks may karga; Trenta (30) pirasong Shine Gaz LPG Tanks na walang karga; Pitong (7) pirasong Shine Gaz LPG Tanks (gasulette) walang karga; Labing Pitong (17) pirasong Petron LPG Tanks walang karga; Labing Isang (11) pirasong Petron LPG Tanks may karga; Walong (pirasong Petron LPG Tanks (gasulette) walang karga; Tatlong (3) pirasong Fiesta LPG Tanks may karga; Labing Dalawang (12) pirasong Solane LPG Tanks walang karga; Siyam (9) pirasong Pryce Gas LPG Tanks walang karga; Tatlong (3) pirasong Pryce Gas LPG Tanks may karga; Isang (1) pirasong Regasco LPG Tank walang karga; Dalawang (2) pirasong Generic LPG Tanks (gasulette) walang karga; Isang (1) pirasong SPI Gas LPG Tank walang karga; sampung (10) generic LPG Tanks may laman, Anim naput Isang (61) pirasong Generic LPG Tanks walang karga; Dalawang (2) pirasong pigtale hoses; Tatlong (3) pirasong LPG Barrels; Isang(1) piraso ng portable Compressor; Isang Daang (100) pirasong Shine seals; kwarentay Sais (46) piraso ng Generic Seals; Isang (1) piraso ng Timbangan (weighing scale); Isang (1) unit ng L300 Van at Isang (1) piraso ng Isang Libong Piso (boodle money). Ang mga nakumpiskang produkto ng gas tanks ay nagkakahalaga ng humigit kumulang Walong Daan Anim naput Dalawang Libong Piso(PHP862,000.00).

Isinagawa ang masusing imbestigasyon at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya sa harap ng mga suspeks, Brgy. Chairman, Brgy. kagawad at LPGMA representative at ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Isabela PFU ang tatlong suspeks at mga ebidensya para sa dokyumentasyon at tamang disposisyon para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.#