Magkatuwang ang Department of Energy, LPGMA at mga dealers sa pagpapatupad ng mga alituntunin ng LPG Law, ayon sa mga pinuno sa isang pulong pambalitaan sa isang otel sa Cauayan City, Marso 13. (FELIX CUNTAPAY JR.)

Ulat ni VINCE JACOB VISAYA, The Manila Times news correspondent

CAUAYAN CITY- Hindi bababa sa 2-million substandard LPG gas cylinders ang nananatili sa sirkulasyon sa bansa kaya gumagawa at magkatuwang ang gobyerno at pribadong sektor para umano mabawasan ang bilang.

Ito ang pahayag ni dating LPG Marketers’ Association party-list representative Arnel Ty, isa sa mga mga may-akda ng LPG Law, sa isang news briefing sa regional conference ng LPG dealers sa Hotel Andrea noong Marso 13 ng hapon dito.

Binanggit ni ex-Rep. Ty na ang kalawangin, luma at may sira na LPG cylinders ay nananatiling talamak sa bansa ngunit ang bilang ay nabawasan mula sa humigit-kumulang 40 milyong cylinders na ginagamit sa mga tahanan at negosyo sa buong bansa.

“Ang batas ay nag-uutos sa amin sa industriya ng LPG na aktibong tumulong sa gobyerno sa pamamagitan ng pag-alis ng mga substandard na cylinders sa merkado sa pamamagitan ng pagpapalit na ibinibigay nang walang bayad,” dagdag ni Ty.

Sinabi ni Robert Cardinales, LPG Section officer-in-charge ng Department of Energy, na tinukoy ng batas na ang mga kasama sa industriya na kinabibilangan ng bulk supplier at distributor, haulers, refillers, trademark owners o marketer, dealers, retailer at iba pang kalahok, ay inutusang mahigpit na sumunod kasama ang mga bagong alituntunin para sa mga ligtas na gawi ng muling pagpuno at pamamahagi ng LPG.

Ang DOE ay awtorisado din na magsagawa ng random na inspeksyon at pagsubaybay at kung ang sinumang manlalaro ay mapatunayang lumabag sa batas, dagdag niya.#

Larawan:

Hindi bababa sa 2-million substandard LPG gas cylinders ang nananatili sa sirkulasyon sa bansa. Ito ang pahayag ni LPG Marketers’ Association party-list representative Arnel Ty, isa sa mga mga may-akda ng LPG Law, sa isang news briefing sa regional conference ng LPG dealers sa Hotel Andrea noong Marso 13 ng hapon sa Cauayan City. Kasama niya sa larawan ang mga pinuno ng Department of Energy at LPG Dealers. (Larawang kuha ni FELIX CUNTAPAY JR.)