Naibahagi ng Situational Awareness and Knowledge Management Cluster na pinamunuan ng National Intelligence Coordinating Agency, katuwang ang 86th Infantry “Highlander” Battalion ang mga mahahalagang impormasyon sa pagpapanatili ng pagiging malaya sa mga teroristang komunistang grupo sa ginanap na Community Dialogue sa Brgy. Palacian, San Agustin, Isabela noong ika-14 ng Marso, taong kasalukuyan.
Nilahokan ng mga residente ng nasabing barangay ang aktibidad na inorganisa ng 86IB. Naka sentro sa pagbahagi ng kaalaman ng isang peace advocate patungkol sa mapalinlang na pag rerekrut ng CPP-NPA-NDF, lalong lalo na sa mga Magsasaka, Kababaihan at Kabataan, at mas mapanatili ang kaayosan at kapayapaan ng nasabing brgy. Maliban sa talakayan ay naghatid din ng tulong sa pamamagitan ng mga relief goods ang GMA Kapuso Foundation Inc. sa mga residente ng nasabing barangay.
Samantala, ang mga kasundalohan ng 86th Infantry “Highlander” Battalion ay magpapatuloy sa pagbibigay ng kaalaman, serbisyo, seguridad, at pagpapanatili ng kaayosan at kapayapaan sa komunidad at sa lahat ng nasasakupan nito.#