Naitala kahapon, September 20 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,699 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,510 na gumaling at 40 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 11.84% (11,251) ang aktibong kaso, 85.13% (80,874) na ang gumaling, at 2.98% (2,838) ang namatay.

(Courtesy: DOH-Region 2)