Photos Courtesy: PNP PRO2

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY– Kulungan ang bagsak ng dalawang drug pusher matapos silang makorner ng pulisya sa ikinasang drug buy-bust operation lungsod ng Santiago kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Russel Balmidiano Montealegre, 25 anyos, pintor at residente ng Purok 4, Calaocan, Santiago City at Mj Guzman Balubal, 16 anyos, estudyante at residenteng Purok 7, Bannawag Norte, Santiago City.

Dakong alas otso ng umaga, kahapon, Pebrero 3, 2022 nang isagawa ang operasyon sa Purok 3, Palac Road Buenavista, Santiago City ng pinagsanib pwersa ng Santiago Drug Enforcement Unit, Police Station 1, City Drug Enforcement Unit/ City Intelligence Unit, Police Station 1 sa pakikipag ugnayan sa Philippines Drug Enforcement Agency 2 na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspek kung saan nakuha sa kanilang pagiingat ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, isang libong piso at 500 peso bill na ginamit bilang boodle money sa pulis nga nagpanggap ng poseur buyer.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Santiago City Police Station at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.(PNP PRO2 PR)