Nakahimpil na sa Lal-lo, Cagayan ang dalawang yunit ng Field Water Purification Vehicles (FWPV) mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, Mayo 28.
Ito ay matapos dumating sa kagabi sa Office of Civil Defense Region 2-Emergency Operations Center sa siyudad ng Tuguegarao ang dalawang units.
Malaki raw ang maitutulong nito sa pagtitiyak na malinis ang tubig na inumin sa kasagsagan ng bagyo at sa mga maapektuhan na mga lugar dahil sa bagyong Betty.
Sinalubong ni DRRM Division Chief Jaye Cabauatan ng OCD-R2 ang team na nagmula pa sa NDRRM Operations Center sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.
Dinala ng Logistics Support Group ng Armed Forces of the Philippines ang mga pasilidad sa pangunguna ni LtCol. Jimmy Trayvilla ng Philippine Air Force.#
Photos courtesy: Office of the Civil Defense-Cagayan Valley