Pinangunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB Region 2) sa pamumuno ni Regional Director Edward L. Cabase ang Inaugural Dry Run of Global Positioning System (GPS) and Automatic Fare Collection (AFC) ng Claveria Operators and Drivers Transport Cooperatives (CLAVODTCo).
Tampok sa dry run ang pagsasailalim sa simulation monitoring ng 13 units ng CLAVODTCo na mayroong nang GPS at AFCs installation.
Layunin nito na makita kung paano ang sistema ng GPS at AFCs na isa sa requirement upang makasama ang mga transport cooperative sa Phase 3 ng Service Contracting Program ng gobyerno.
Sa ilalim ng SCP, binibigyan ng pagkakataon ang mga operator at driver na kumita batay sa bilang ng trip o biyahe na kanilang itinakbo kada linggo, may sakay man na pasahero o wala.
Sa pagsasalita ni Regional Director Cabase, kanyang tiniyak na patuloy na gumagawa ng pamamaraan ang ahensya upang matulungan ang mga kooperatiba sa isinusulong na modernisasyon ng pamahalaan.
Patuloy din aniya na magbibigay ng insentibo ang pamahalaan sa mga transport cooperative na nakakumpleto ng kanilang mga requirement para sa SPC.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pasasalamat si CLAVODTCo Board of Director Pio Tabao dahil sa walang sawang pagsuporta ng LTFRB sa kanilang kooperatiba. (LTFRB Region 2 press release)