Patuloy sa pagtaas presyo ang mga pangunahing bilihin ngayong papalapit ang selebrasyon ng Semana Santa ayon sa mga vendors ng Baligatan public market sa Ilagan City, Isabela.

Inaarayan naman ng ilang consumers ang 10 hanggang 20 pesos na dagdag presyo sa mga produktong gulay tulad ng patatas, repolyo, at carrots. Maging ang bigas ay patuloy sa pagsirit sa presyo ayon sa mga nakausap naming retailers.

Mayroon namang nararanasang shortage sa karne ng baboy at maging ang presyo ng iba pang poultry products tulad ng karne ng manok ay patuloy na tumataas. Tinatayang halos 20 to 30 pesos ang naidadagdag sa kada isang kilo ng karneng baboy sa palengke.

โ€œNgayon na mahal na araw, naghihirap po kami sa paninda namin kasi masiyado ng mahal ang baboy.โ€ Paliwanag ni Boni Castro, 24 tindero ng karne sa palengke. Inaasahan parin ang pagtaas ng ilang mga produkto sa merkado lalo pa at palapit na ang Holy Week season sa bansa.(Genalyn Catillo)