Nailarga na ang mga relief good mula sa Provincial Government ng Cagayan na nakalaan sa mga apektadong residente ng isla ng Calayan dahil sa bagyong Kiko.

Lulan ang barko ay patungo na sa isla ang tulong na kinabibilangan ng 950 food packs na may tig-5 kilo ng bigas, dalawang boxes ng medisina at 3,000 pouches ng iba’t ibang vegetables seeds.

Ito ay tulong ng probinsiya ng Cagayan sa naturang isla na labis naapektuhan sa bagyo nitong na nanalasa nitong nakaraang linggo.

Una na ring namahagi ng tulong-pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) R02 sa 20 pamilya sa Calayan kung saan nakatanggap ang mga ito ng tig-P5,000.

Tiniyak din ng PGC sa pangunguna ni Governor Manuel Mamba na patuloy ang kanilang pagbibigay ng iba pang pangangailangan ng mga residente para agad na makabangon abg mga ito sa pinsalang dulot ng nagdaan na bagyo.

Batay sa inisyal na datos ng PDRRMO, nagkakahalaga ng P31,673,721 ang nasirang ari-arian sa Calayan.

(Courtesy:DIGNA BINGAYEN/PDRRMO)