Naiiyak si Aling Teresita Gatan, 56-anyos na biyuda, sa buhay niya bilang iskuwater sa lumang slaughterhouse sa Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.
Kasama ang pamangkin na si Julie Baculi na may anak at apo, labindalawang taon na silang naninirahan sa taas ng naturang abandonadong slaughterhouse dahil wala silang sariling lupa at bahay.
Hiling nila, konting ayuda lamang dahil sa hirap sa buhay. Naglalabada lamang sila para may pagkain sa araw-araw.
Gumawa lamang sila ng pinagtali-taling kahoy upang makagawa ng hagdanan para makaakyat sa slaughterhouse para ito ay matirhan. Gawa naman sa tagpi-tagping tarpaulin at kumot ang kanilang bahay at pinaghihigaan. kanilang dalawa at mga anak at apo ni Julie.
Kwento naman ni Julie na kapag daw bumabagyo o umuulan, sila daw ay sumisilong na lang sa tarpaulin o tolda. Nagbabayad sila ng limampung piso kada araw para mai-tap ang kanilang ilaw. Kadalasan, wala raw silang ilaw dahlia pambayad.
Para kay Aling Teresita, mahirap pero tuloy lamang daw ang gulong ng buhay.#