CAMP LT. ROSAURO TODA JR., CITY OF ILAGAN, Isabela- Arestado ang isang lalaki na binansagang No. 8 Provincial Most Wanted Person para sa kasong Rape kaninang umaga, ika-11 ng Marso, 2024 sa Brgy. Dumawing, Jones, Isabela. Kinilala ang suspek na si Alyas Dan, 42 anyos, vendor, at residente ng Purok 3, Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela.

Nahuli ito ng pinangsanib na pwersa ng San Isidro PS (lead unit), 2nd IPMFC, PIDMU-IPPO, PIU-IPPO, PIT Isabela, CIT Santiago City, at RIU2 sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyo noong December 27, 2023 ni Hon. Donabel Asuncion Balot, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 36, Santiago City, Isabela sa kasong nabanggit na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang naturang suspek ay dinala sa himpilan ng San Isidro bago iturn-over sa korteng pinagmulan. Nakatanggap naman ng papuri at pasasalamat mula kay Provincial Director PCOL LEE ALLEN BAUDING ang mga nasabing kapulisan sa kanilang ipinamalas na husay sa paghuli sa supek. Dagdag pa niya, patuloy ang mga kapulisan ng Isabela sa pagpapaigting ng kampanya laban sa kriminiladad upang ang bawat mamamayan sa probinsya ng Isabela ay mamuhay ng ligtas at payapa.#