Pormal na pinarangalan kanina, Marso 22, ng Philippine Information Agency (PIA) Region 2 ang 10 kababaihan sa IDDU Honor Roles Awardees ngayong taon na ginanap sa DPWH New Conference Hall sa Tuguegarao City.

Nabigyan ng pagkilala sina Marites Balbas (environment), Jail Supt. Maria Lourdes Pacion (law enforcement), Dr. Evangeline Calubaquib (science and technology), Dir. Teresita Tabaog (gender and development), Engr. Dauphine Alviar (agriculture),

Corazon Xy-za Escobar (humanitarian service),

Mia Ventura (public service), Jenifer Oliquiano (education), Ruth Lee Resuello (culture and arts) at Carmelita Jimenez (local governance).

Sila ang ika-12 na grupo ng mga awardees para sa naturang parangal simula nang umpisahan ito noong 2012.

Inihayag ni Regional Director Angely Mercado ng PIA Region 2 na ang naturang parangal ay binuo para mabigyan ng pagkilala at pagpupugay ang mga kababaihan na may natatanging tulong sa lipunan at pamarisan ng iba bilang modelo ng pagbabago.#