Ulat ni MEL KATHRINA RESPICIO, Contributor
Ilang araw na malakas ang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Isabela dahilan ng pagdapa ng mga palay at halos hindi na maitayo ang mga ito.
Siba o talakitik ang isa sa mga problema na kinakaharap ng mga magsasaka kung saan ito ang nagiging dahilan kung bakit nasisira ang kanilang mga palay.
“Nangingitim ang mga palay namin, halos ayaw ng bilhin kapag binebenta,kumakapit kasi ito sa palay,” ayon kay Gaudentio Lintao, 60-taong gulang na taga Furao, Gamu, Isabela.
Mababa ang presyo ng palay ngunit, sobrang taas ng presyo ng bigas dagdag pa niya. “Umaayon ang kita namin sa taas ng palay at nagbibigay ang gobyerno ng binhi ngunit hindi sumasapat,” dagdag pa ni Lintao.
Kailangan anihin ang palay ng mas maaga kaysa sa nakatakdang araw, dahil kung hahayaan pa nila itong maulanan ulit, ang mga palay ay tuluyan ng masisira at tuluyang hindi na mapapakinabangan.#