TINUTULUNGAN ng mga bumbero ang isang ginang na nanganak sa loob ng bus sa Tabuk City.(BFP-Kalinga)

Ligtas na ang isang ginang na nanganak sa loob ng bus at tinulungan ng mga bumbero habang nasa kalagitnaan ng biyahe sa Tabuk City, Kalinga kamakailan.

Sa tulong ng mga kawani ng Provincial Medical Emergenc y Service ng BFP Kalinga,  agad na natulungan ang ginang na si Jane Bangsol nang ipaalam ng mga pasahero na pumutok na ang panubigan nito.

Ayon sa ulat ni Fire Supt. Allan Eballar, BFP-Kalinga director, nailuwal ni Bangsol ng maayos ang isang lalaking sanggol nang madatnan ng response team si Bangsol nguni’t hindi pa naputol ang umbilical cord ng bata kaya’t tinulungan siya ng mga ito.

Agad na dinala ang ina at ang kanyang anak sa Kalinga Provincial Hospital na ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan.

Galing raw ng Bontoc, Mountain Province si Bangsol at magpapatsek-ap sana at magpapaconfine na rin sana sa ospital nguni’t naabutan ng panganganak sa loob ng bus habang bumibiyahe.#