Ulat  ni  BILL VISAYA

Sinira ng Fall Army worms (Scientific name:Spodoptera frugiperda) ang 93.43-ektaryang palayan–karamihan rito ay mga bagong tanim pa lamang para sa punla–sa 11 na mga bayan sa apat na mga probinsya sa Region 2 sa nakaraang buwan hanggang ngayon.

Sa pahayag mula sa DA-Region 2, namonitor ang mga peste sa 11 mga bayan, kabilang ang Sta. Ana, Gonzaga at Enrile sa Cagayan; San Mateo, San Pablo at Roxas sa Isabela; Bagabag, Solano at Bayombong sa Nueva Vizcaya; at Cabarroguis at Maddela sa Quirino.

Iniutos na ni DA-Region 2 Regional Director Narciso Edillo na tulungan ng mga agricultural technicians at mga LGUs ang mga magsasaka para masawata ang peste sa pamamagitan ng mga bio-agents, intensified information drive at technical assistance.#