Nagwagi ang isa sa mga manlalaro ng Isabela Arnis Team Secondary sa Pinweight Division Women’s Category na may kilo na 37 kgs hanggang 40 kgs sa CAVRAA meet 2023 ngayong araw, April 26, 2023 na ginanap sa covered court ng Barangay Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Nakuha ng Isabela ang unang set ng laban at bumawi naman ang Cagayan sa pangalawang set ngunit muli nanamang nakuha ng Isabela ang pang huli na set ng laro kaya sila ang nakasungkit ng kampyon sa Semi Finals sa Pinweight.

Sa ngayon, naghahandang muli ang mga manlalaro ng Isabela Arnis Team para sa kanilang darating na laban sa Finals sa araw ng bukas, Huwebes, April 27, 2023 na muling gaganapin sa pinag dausan ngayon, sa Covered Court ng Barangay Baligatan.

Hiling naman ng ilang mga coaches na nawa’y magkaroon ulit ng magandang performance ang kanilang mga manlalaro upang mauwi nila ang gintong medalya sa darating na Awarding.

Ulat ni Genalyn Castillo, Student Trainee.