Nagwagi si Clara Jean Andal, 16, ng Isabela National High School, manlalaro ng Ilagan City sa Tennis Secondary Girls Singles Match 6 sa CAVRAA 2023 kontra koponan ng Tuguegarao City na ginanap sa Isabela Sports Complex ngayong araw, April 25, 2023.

Nagkaroon ng mabilis na oras ang labanan sa kadahilanang sa bawat palitan ng bola ay si Clara Jean ang halos nakakukuha ng puntos. Ang puntos ng Ilagan ay 8, samantalagang ang puntos ng Tuguegarao City ay 0. 8-0.

Ang Tennis Team ng Ilagan ay binubuo ng siyam na manlalaro, isa sa elementarya, apat naman sa Boys sekondarya at apat din sa Girls sekondarya.

Hangad ni Clara Jean na sana sa mga susunod pa nila na laban ay muli nilang makamit ang tagumpay upang maging isa sila sa mga deligado ng darating na Palarong pambansa.

Ulat ni Genalyn Castillo, Student Trainee