Ulat ni Mel Kathrina Respicio, Contributor
Pinuntahan ng Lacson-Sotto tandem ang mga mamamayan ng Tuguegarao City at naglatag sila ng kanilang plataporma kung saan marami ang natuwa.
“Lacson ako dahil gusto naman namin gumanda ang buhay namin,maganda yung patakaran niya kaya kusa ako na nagpunta dito.” Ayon kay Myrna Nara, 50-taong gulang na residente ng Tuguegarao.
Inilatag rin ni Senate President Sotto ang isa sa kanilang plataporma kagaya ng libreng pagpapaaral ng medesina, pagpapatayo ng mga hospital at libreng gamot para sa mga senior citizen.
Nagfocus rin sa agrikultura si senator Lacson kung saan sinabi nito na ang UP Biotech ang makakatulong sa mga magsasaka, nabanggit niya rin na .4% lang ang naitutulong ng gobyerno sa sektor ng agrikultura dagdag pa nito “tayo dapat ang magbenta sa ibang bansa.” dagdag pa niya “Ang problema ay execution ng mga batas.
” Sa isyu naman tungkol sa pagtaas ng langis sinabi ni Senate President Sotto na gusto niyang panoorin ang executive department kung paano nila ito masusolusyonan.
Parehas ang dalawa na hindi nababahala sa sinasabi nilang “Solid North” ayon pa sakanila pagdating ng May 9 tao pa rin ang magdedesisyon.#