Photos by: Balitang Hilaga

Ulat ni Mel Kathrina Respicio

Hindi nagpahuli ang tambalang Lacson-Sotto sa panliligaw sa mga taga Isabela matapos bumisita ang magkatambal at naglatag ng kanilang mga plataporma.

Dinaluhan ng mga lokal na politiko ang press conference na ginanap sa Andrea Hotel, Cauayan City, Isabela.

Marami sa katanungan ay patungkol sa sektor ng agrikultura. Ayon kay Senator Lacson “Kailangan makapag focus tayo sa ating mga farmers dahil ang pangunahing produkto ng Isabela ay mais at palay. Kailangan pagtuunan ng pansin ang mga gulay na meron tayo, katulad ng carrots, bakit pa kailangan  mag angkat kung meron naman tayo dito, yung mga bihirang prutas katulad ng ubas at mansanas ang dapat iangkat.”

Ilan pa sa mga katanungan ay tungkol sa pagbawi muli sa Magat Dam na nagbibigay ng karagdagang geothermal energy upang mapababa ang bayarin sa kuryente.

Nagbigay rin si Senator Lacson ng kanyang opinyon tungkol sa “digitalization” kung saan binigyang linaw niya na mas mapadali ang lahat ng transaction o pag iisahin ang IDs na magagamit ng bawat Pilipino.

“Ayaw namin ng rally,” yan naman ang sagot ni Senate President Sotto sa tanong tungkol sa mga nagaganap na people’s rally sa ibat-ibang lugar.

Nagtapos ang press conference sa pagbibigay ni Senator Lacson at ng ideya tungkol sa pork barrel system, at mga posibleng hakbang upang maayos na magamit ang pondo para sa publiko.#