Ulat ni Mel Kathrina Respicio
Nagdaos ng ikatlong anibersaryo ang Balitang Hilaga ngayong Huwebes, March 23, at isa sa mga ginawa ang pamamahagi ng tulong sa mga piling pamilya ng Barangay Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Nagbigay rin ng mensahe ang Publisher na si Villamor Visaya Jr. ng Balitang Hilaga upang magpasalamat at nagbigay ng kaalaman tungkol sa nasabing programa.
Isa sa mga napili ay si Ginang Francisca Aguto, 67 taong gulang. “Nagpapasalamat ako sa tulong na ibinigay nila,” ayon sa kanya. Si Aguto ay may asawang paralisado. Ayon sa kanya, nahihirapan ito sa pambili ng gamot ng kanyang asawa. “Kapag wala kaming pambili ng gamot, humihingi kami sa Rural Health Unit,” ayon sa kanya.
Sinabi ni Aguto na hindi nagiging madali ang araw-araw nilang pamumuhay, sapagka’t siya lang ang nag aalaga sa kanyang asawa. “Malaking tulong ito para saamin” ani Aguto.
May ngiti sa mga labi at makikita ang tuwa sa mga mata ng mga pamilyang natulungan ng Balitang Hilaga.#