Ulat ni Jesusa Esteban
Pamahalaang panlalawigan ng Quirino at Japanese government-owned firm na Tokushima Auction Market, pumirma ng memorandum of understanding (MOU) para sa agriculture development concession na ginanap sa Watersports Complex, Capitol Hills, Cabarroguis, Quirino kahapon (April 10, linggo).
Ang pakikipag-partner ng lalawigan ay upang lalo pang mapalakas ang importasyon at eksport ng mga produkto mula sa lalawigan ng Quirino at mula sa Japan kabilang na rito ang sumisikat na 100-percent calamansi puree na natibong gawa ng mga residente.
Kasama rin sa pirmahan ang Global Trade Ventures, isang consulting company na nagsusupervise ng mga implementasyon ng mga concession projects sa bansang Pilipinas.
Isa rin sa kasama sa MOU ang Japan Medicinal Association na makikipagpartner din sa Quirino para sa mga kalusugan ng mga magtratrabaho sa concession project.
Pag-iibayuhin din daw ng Tokushima Auction Market ang mga produktong aqua-marine sa bansa.
Ang mga pumirma sa MOU ay sina Quirino Governor Dakila Cua; Yoshihisa Arai, President/CEO of Takushima Auction Market, Japan; Kenji Sato, Pres. CEO of Biometrix Corporation Pharmaceutical Manufacturer; Dr. Kazuo Hara, Chairman, Japan Medical Association; Mr. Amin Javadi, Third Secretary, Ambassador of Iran; at mga regional directors at representatives ng DENR, DA, DTI, at DOST.#