
Boxer Caga outpoints Albino in ‘Bakbakan sa Ilagan’ world title fight
By BH Team/VV
CITY OF ILAGAN, Isabela-Professional boxer Wesley Caga outboxed Louie Jay Albino in an eight-round professional boxing fight to win the vacant World Boxing Foundation (WBF) during the “Bakbakan sa Ilagan” match held at the Capital Arena on February 8 here.
The 24-year-old Caga raised his record to six wins and two losses aside from bagging the WBF bantam belt.
Both showing eagerness to win and aggressiveness, both fighters connected with hooks, jabs and uppercut against each other, but no one was knocked out.
The boxing event also showed the Philippine Boxing Federation championship fight against Claudevan Sese, who won in a referee-stopped contest via technical knockout, over Alvin Medura in the fourth round.
Mayor Josemarie Diaz, who co-sponsored the fight, said the world match would further develop sports and tourism in the city.
“This is a momentous event for the City of Ilagan. We hope to have more boxing fights and other sports events in the future,” he said.#
Gunman sa pagpatay ng konsehal 14 taon ang nakararaan, naiturnover na sa Tuguegarao City matapos sumuko sa Mandaluyong
Ipinasakamay ng kapulisan ng Mandaluyong City Police Sub-Station sa hanay ng Regional Intelligence Division (RID) ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang itinuturong akusado sa pamamaslang sa dating City Councilor ng Lungsod ng Tuguegarao na si Rosemarie “Osang” Bunagan-Bansig.
Ito ay matapos ang pagsuko ni Alyas Gabby, 44-anyos, tubong Iguig at residente ng Sta. Maria, Bulacan na may nakabinbin na warrant of arrest sa Regional Trial Court Branch 10 sa Tuguegarao City noon pang 2017.
Sa isinagawang pulong-balitaan sa Regional Headquarters ng PRO2, inihayag ni PCOL Rodelio Samson, Deputy Regional Director for Operations na kasabay ng pag-upo ni PBGEN Antonio Marallag Jr. bilang direktor ng Pampansang Pulisya sa rehiyon ay ipinasuri nito ang lahat ng mga nakabinbing warrant of arrest upang matugis ang mga akusadong nagtatago sa batas.
Kabilang naman sa natukoy ay ang naka-pending na Mandamyento de Aresto laban sa naturang akusado dahil sa kasong Murder kaya agad umanong nagsagawa ng intelligence operation ang mga otoridad kung saan napag-alamang si Alyas Gabby ay nagtatago at naninirahan sa bahagi ng Bulacan.
Mula nang maramdaman ng akusado na malapit na itong masukol dahil sa patuloy na paghahanap ng mga otoridad ay nagpasya naman siyang lumapit sa isang kilalang programa sa radyo nitong Enero 23, 2025 upang sumuko.
Agad namang ipinasakamay ng nasabing programa ang akusado sa tanggapan ng Mandaluyong City Police hanggang sa ipasakamay ito sa PRO2.
Samantala, inihayag naman ni Army Col. Tim Kenneth Bansig, asawa ng napaslang na Konsehal at kasapi ng Army Judge Advocate General’s Office, ang hirap ng pinagdaanang proseso upang matunton ang mga nasa likod ng pagbaril-patay sa kanyang may-bahay.
Aniya, sa mahigit isang dekada nang mangyari ang insidente ay nawala na umano ang galit sa kanilang puso nguni’t kinakailangan ng hustisya. Gayunman, naniniwala umano siya na ang nahuling akusado ay hindi ang mismong killer kun’di ang mga taong nag-utos sa kanya upang patayin ang kanyang asawa.
Nanawagan din si Bansig sa mga otoridad na protektahan si Alyas Gabby dahil kasabay ng pagsuko nito ay ang posibilidad na may magtatangka sa kanyang buhay upang hindi maituro ang totoong nasa likod ng krimen.
Umaasa rin ang pamilya ng namayapang konsehal na sa pamamagitan ng pagsuko ni Alyas Gabby ay unti-unti nang makakamit ang hustisya para sa kanya.
Noong Nobyembre 13, 2014, patay sa pamamaril si Councilor Bunagan-Bansig kung saan, batay sa ulat ay binabagtas nito at ng kanyang driver ang kahabaan ng Buntun-Pallua Road, Tuguegarao City nang pagbabarilin sila ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo na sanhi ng kanyang kamatayan.#
170 irrigators trained in Ifugao
LAGAWE, Ifugao-At least 170 Ifugao irrigator-farmers from different irrigators’ associations in the province were trained on Alternate Wetting and Drying (AWD), a water savings technology that reduces water usage while maintaining yields, last week.
The National Irrigation Administration-Cordillera said that the AWD is a water management strategy, practiced to cultivate irrigated rice with much less water than the usual system of maintaining continuous standing water in the crop field.
The implementation of AWD involves using an observation well or a ‘field water tube’ (‘pani pipe’) to monitor the status of field water above the ground and within the root system. In this process, rice fields are flooded to a lesser extent, allowed to dry to a predetermined level, and then subsequently reflooded.
Other trainings were also done to irrigators associations of Hapid Irrigation System in Hapid, Ajjang Tuwali in anopdopan, both of Lamut, and Sto. Domingo, Alfonso Lista, also in Ifugao.#
Bakbakan sa Ilagan, nagpapatuloy ngayon sa Capital Arena
CITY OF ILAGAN, Isabela-Kasalukuyan ngayon ang mga laro sa boksing sa amateur at propesyonal kabilang ang Silver Bantamweight Championship sa The Capital Arena na binansagang “Bakbakan sa Ilagan” ngayong Pebrero 8.
Main event ang laban nina Wesley Caga at Louie Jay Albino para sa World Boxing Foundation Silver Bantamweight Championship.
Nabuo ang laban dahil sa Memorandum of Agreement na pinirmahan sa pagitan ng Pamahalaang Panlungsod at Elorde UKC Boxing Promotions. Kasama rito ang international partnership ng siyudad sa World Boxing Foundation.
Ayon kay City Mayor Jay Diaz, malaki ang tulong nito sa pag-unlad ng turismo at isports ang aktibidad.#


Dalawang babae, patay nang mabangga sa nakaparadang trailer truck
Patay ang dalawang babae makaraang mabangga sa nakaparadang trailer truck sa national road sa Purok 6, Brgy Tuao, North, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Wala nang buhay ang dalawang babae nang madala sa pagamutan na kinilala lamang ng kapulisan na Len-len, 28 anyos, at ang backrider na si Bendita, 33 anyos, ng Brgy. Bangar, Solano, Nueva Vizcaya.
Sumuko ang drayber ng trailer truck na si AJ, 53 anyos ng Atulayan Norte, Tuguegarao City.
Nakaparke ang trailer truck sa madilim na bahagi ng gilid ng kalsada at di ito napansin ng dalawang babae na mabilis rin ang takbo.
Sinita rin daw ang drayber at kasama nito na kainuman sa gilid ng kalsada kaya pumagilid sila.
Nagkaayos naman ang magkabilang panig at magbabayad na lamang ng danyos ang kumpanya sa mga naiwang kaanak ng mga biktima.#
Eroplano, bumagsak
Bumagsak ang isang maliit na pribadong eroplano na Beech King Air 350 (B350), kaninang bandang 2:30 p.m. nitong Huwebes (Peb. 6, 2025) sa Barangay Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Dalawang tao naman ang hinihinalang nasawi sa isang plane crash.#
Mang Inasal celebrates triple victory at the 60th Anvil Awards
Mang Inasal was honored with two Golds and one Silver at the prestigious 60th Anvil Awards held recently at the Fiesta Pavilion of the Manila Hotel. The brand’s standout programs included the Pork BBQ Media Launch, #MangInasalKahitSaan Digital and PR campaign, and “Love the Flavors, Love the Philippines.”
Competing against over 586 entries, Mang Inasal stood out for its creativity and impactful execution in 2024, bringing home Anvils in various categories.
“These Anvil awards are more than just recognitions; they’re a testament to our dedication to connecting with our customers in meaningful ways,” said Mang Inasal President Mike V. Castro. “This honor tells us that our efforts, whether in-store or online, truly resonate with our customers. It drives us to keep improving, listen to their needs, and find new ways to serve them better. This is a shared victory with our customers — they inspire everything we do.”
Among the winning campaigns, the Pork BBQ Media Launch won Gold under the PR Programs – Marketing and Brand Communication category, making waves in mid-2024 with a star-powered media event and social media buzz that showcased the brand’s Pork BBQ as a must-try offering, particularly popular among younger audiences.
Meanwhile, #MangInasalKahitSaan Digital and PR campaign was awarded Gold under the PR Programs – Best Use of Digital category. The campaign took the delivery group’s creative use of giant order numbers with QR codes linking to manginasaldelivery.com.ph and turned it into an online sensation. Leveraging digital influencers, media coverage, and social media buzz, the campaign generated nationwide excitement, amplifying attention on Mang Inasal’s delivery service and driving conversations across platforms.
Finally, the “Love the Flavors, Love the Philippines,” which was recognized with Silver award in the PR Programs – Arts & Culture/Heritage/Tourism category, stands as a powerful collaboration with the Philippine Department of Tourism. It shines a spotlight on Filipino cuisine, helping elevate local flavors globally, celebrating our flavors and strengthening national pride.
Following up on its outstanding performance at the 59th Anvil Awards, where Mang Inasal won four Golds and one Silver, this year’s success solidifies the brand’s ongoing commitment to excellence and innovation in PR.
Annually presented by the Public Relations Society of the Philippines (PRSP), the Anvil Awards, also known as the ‘Oscars of Public Relations’ in the Philippines, honor the country’s best PR campaigns and tools executed by the largest companies, agencies, and institutions. As a benchmark of excellence in public relations and business communications, the awards are judged through a comprehensive three-phase evaluation by expert panels, including distinguished jurors from both the Philippines and overseas.#
754 manggagawang naging biktima ng kalamidad sa Cagayan nakatanggap ng tulong
Nakatanggap ng P3.6 milyong halaga ng pasahod ang 754 na Cagayano para sa manggagawang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program sa mga bayan ng Ballesteros, Claveria, at Pamplona.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱4,800.00 sa payout na ginanap sa Pamplona Gymnasium noong Enero 29, sa pangangasiwa ng DOLE Cagayan Field Office. Ang inisyatiba na ito ay isang bahagi ng tugon ng DOLE sa mga residenteng naapektuhan o nawalan ng trabaho dahil sa pananalasa ng mga bagyong Marce, Ofel, Kristine, at Pepito noong 2024.
“Malaki ang naitulong ng TUPAD sa amin. Nais kong pasalamatan ang ating gobyerno sa suporta at malasakit na nagbigay-daan upang makabangon at magpatuloy sa aming pamumuhay,” saad ni Jerelyn Gascon, isang TUPAD worker.
Binigyang-diin naman ni Cagayan Field Office Head Laura Diciano ang kahalagahan ng natanggap na sahod ng mga benepisyaryo.
“Ang natanggap niyong sahod ay bunga ng inyong sipag at tiyaga. Nawa’y magamit ninyo ito nang wasto at may kabuluhan para sa inyong pamilya. Ito rin ay isang pagkilala sa inyong sipag at dedikasyon,” saad ni CFO Head Diciano.
Sa kabuuan, nitong Enero, ang DOLE ay nagbigay ng mahigit P9.5M na TUPAD salary sa 1,975 benebisyaryo mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan.#
Hepe ng Bagabag police sa Nueva Vizcaya at asawa nito, sugatan nang makabanggaan ang isang dump truck sa Cabatuan, Isabela
Sugatan ang hepe ng Bagabag police sa Nueva Vizcaya at asawa nito nang makabanggaan ng sinasakyan nilang SUV ang isang dump truck sa Barangay Nueva Era, Cabatuan, Isabela.
Dahil dito, itinakbo sa pagamutan sina PMaj. Oscar Abrogena hepe ng Bagabag Police Station sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at ang asawa nito na si Vicky Abrogena.
Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Forward Dump Truck na si Rodrigo Tagudan Jr, 30-anyos, residente ng Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, binabagtas ng dalawang sasakyan ang Pambansang kalsada sa magkasalungat na direksyon at ng makarating sa pinangyarihan ang aksidente ay nawalan umano ng kontrol sa manibela si Pmaj. Abrogena sanhi para mapunta ito sa kabilang linya ng kalsada at sumalpok sa kasalubong na dumptruck.
Dahil sa lakas ng bangaan ay nasawak ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan habang nagtamo ng sugat sa katawan si Major Abrogena at ang misis nito na si Vicky na agad naman itinakbo sa pagamutan.
Mechanical error ang pinupunto ng pulisya na sanhi ng aksidente dahil sa di nakontrol ng hepe ang sasakyan.
Patuloy parin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad.#